Now Playing Tracks

Isang-isa na lang…

Last project na kami, tapos ulit pa from the start. As in lahat.
Mula front page.

Eh, ma-effort rin kasi yung project na yun sa Software Engineering.
Di lang naasikaso agad kasi nung mga nakalipas na mga linggo tambak ng mga deadline sa ibang project.

Pero buti na lang, tapos na kami sa mga yun.
So eto na nga, last na lang to.
Sana next time okay na.

Napakahirap pa kausapin ng mga prof. dun sa school.
Ang daming pa-V.I.P., pahabol, papilit.
Ginawa na niya yun last sem, eto na naman siya.
May iba naman na joker pa, eh nagtatanong naman kami ng maayos kasi nga deadline is deadline pero this time kasi extension na yun.
SANA TANGGAPIN pa sa wednesday.
Di rin kasi pwede bukas dahil panigurado busy lahat sa graduation ceremony sa school. 
Tapos holiday sa Tuesday.
 Sana sa wednesday andun yung prof. namin na yun.
At sana… matapos nang maayos ‘tong semester na to.

OJT next sem. Sana maging okay din. Good luck. 
(though may working experience na naman ako, pero not in the field of I.T.)

Bakit ba ganito?

Sabi na nga ba iba ka…

Hindi naman kita iiyakan ng ganito kung ganun lang.

Every time na nakikita ko yung kahit pangalan mo lang sa notifications ko, masaya na ako.

Gusto kita, may gusto kang iba, may ibang may gusto sayo.

Napakarami ko pang dapat matutunan sa buhay.

Lalo na sa pag-ibig.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko…

Paano naman ako hihingi ng advice… Kung yung mismong pagtatanungan ko, siya yung gusto ko.

Bakit ba kasi naging ganito pa ako?

Bakit ba kasi hindi na lang ako nagkaroon ng katawan at itsura na magugustuhan mo?

Bakit ba kasi napakahina ko?

Bakit ba kasi napakaraming mali sa pagkatao ko?

Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na mas mayaman ng kahit kaunti?

Pero bakit sa lahat ng ‘to, di ko parin mapigilan sarili ko na gustuhin ka, kahit na alam ko sa sarili kong hindi ako sapat para sayo.

Kapag iniisip ko naman kung bakit ba ikaw, wala akong maisip na dahilan.

Pinili ko ba yun?

Hindi naman yun parang “aahh, eto gugustuhin ko”.

basta habang tumatagal nabuo na sa sarili kong gusto kita, at hanggang ngayon di ko alam kung bakit.

Bakit nasasaktan ako pag naiisip kong may iba kang kasama.

Pero masaya akong masaya ka sa kanila.

Bakit nalulungkot ako’t naluluha na hindi ako nararapat sayo.

Iniisip ko, hindi ako nararapat sayo kasi marami namang iba jan, mas gwapo, mas mayaman, mas lalaki, at marami pang mas kumpara sa akin.

Papaano ko naman lalampasan yun, kung sa simula pa lang wala na ako nun.

Napakarami ko pang gustong sabihin.

Gusto kong mabasa mo to, pero parang nag-aalangan din ako.

Pag naiisip ko kasing poproblemahin mo pa yung problema ko, mahirap. Hindi ko rin naman alam kung may interes ka bang malaman pa yung mga ‘to.

YUNG GANYAN? SALAMAT AH? HINDI KO KAYO KAILANGAN.

I took the risks, when I open up to people. 

Sayang nga lang, kasi those people are not worthy for it.

I’ve always had good intentions when befriending people. 

Right from the very start I try my best to be a true friend. 

Yung mga ganung klaseng tao rin kasi yung gusto kong makilala. 

Pero yung katulad niyo? No thanks!

Alam ko yung mga naririnig ko. 

Hinahayaan ko na lang dati, kasi alam ko minsan may mali rin ako at tinatama ko yun. Pero masama talaga sa pakiramdam yung huhusgahan ako ng mga tao ng kung anu-ano depende sa gusto nila. 

Hindi niyo lang kasi ako kilala.

Pero salamat! Nag-effort pa kayong pag-usapan ako para lang makapanlait. 

Salamat talaga! 

Sensitive naman ako sa paligid ko kahit papano.

Kahit naman di ko kayo makilala okay lang eh. 

Kasi nakatagpo na ko ng mga tunay na kaibigan noong highschool pa ko. 

Wala parin palang papantay sa pagkakaibigan na nabuo ko kasama nila (highschool friends).

And this proves that this world is not twisted. 

It’s the people who live in it are the ones who are twisted.

And by “Kayo” I don’t mean to generalize people. 

“sila” lang yung tinutukoy ko dun. 

I will not mention any name, there’s no need for it.

It’s a good thing that I didn’t bother to get to know them.

Mababa na nga self-esteem ko, mas lalo pang nauubos dahil sa mga naririnig ko.

Mabuti o masama man ang isang tao. Meron at meron paring masasabi yung ibang tao.

I know, that’s what people does. But not all of them. Bihirang-bihira talaga makakita ng tunay na kaibigan.

I remember before, I planned to resist unnecessary interactions with people. But eventually, I let some of them in my life. Was it wrong?

Not actually, ‘cause I’ve found some that I can trust. 

At may iba naman na kahit di ko kasama araw-araw kaibigan ko parin, walang nagbago.

I’m not closing doors. Mas napatunayan ko lang na most of the guys are troublemakers. Salamat at di ako natulad sa mga yun.

I’m not saying girls are perfect. Pero based on my experience. 

Mas masarap kayong kasama, mas masaya kayong maging kaibigan.

Hindi ako nabuhay para makipagsabayan sa yabangan, pakikipagbasag-ulo at kung anu-anong bisyo ng ibang lalaki. Mas gusto kong maging matino.

Pinili kong mabuhay ng ganito, di man ako kasing astig nila, mas mahina man ang pagkatao ko kumpara sa iba. Alam ko, may ginagawa akong tama

Pero hindi pa sapat lahat ‘to. At never ko inasam maging perpekto, imposible yun.

Ang sakin lang, mai-ayos ko yung sarili ko hangga’t maari.

I won’t let myself down. I’ll be better. At kung sa susunod isa na naman ako sa topic niyo, ngayon pa lang magpapasalamat na ko.

Pero, masyado na ba akong nalalayo? God help me.

Kahit masakit, maghihintay ako…

Kailangan ko magtiis.
Wala pa kong mapapatunayan at ikaka-proud ngayon eh..

Pag dumating na yung tamang panahon at mahal parin kita,
di na ko magdadalawang isip pa na suyuin ka.

Oo, mahal kita ngayon, pero sa tingin ko
hindi pa sapat to.
Magtatapos muna ko ng pag-aaral,
magtatrabaho at mag-iipon para
masabi ko narin sa sarili kong

“sa wakas, handa na ako…

Sana lang, sa panahon na yun
mapansin mo narin ako
at itong nararamdaman ko para sayo.

It’s been a while…

Napakatagal na since yung huli kong post, wala akong maikwento noon eh.
pero nitong mga nakaraang araw.
NAPAKADAMI NA PALA… 
Mostly about love.

Naranasan kong ma-reject ng harap-harapan.

May mahal ako pero natotorpe ako.
At dahil dun, nasasaktan ako. 
Oo, mali ako. Pero, I have a reason. 

My addiction to animes have grown much stronger than (who knows when it actually started) when I was a kid. Masaya ako dito eh. Feeling ko sulit naman yung oras ko sa panonood. (Sa iba siguro hindi, *ah ok :) haha  )

Community Service (Day 3 & Day 4)

Day 3 & Day 4 (April 26, 2012 & April 27, 2012)

 
   Nag-Mapping kami for 2 days. Nagcheck kami ng lahat ng mga business/stores sa barangay namin kung nakapag-renew na ba sila ng Business Permit for year 2012. Mukhang madali lang naman sa umpisa, lalo na sa mga tindahan na malaki at magkakadikit. Nagsimula humirap sa mga malilit na tindahan (naisip ko, may permit pa kaya ‘to? parang halos wala naman ‘tong kinikita, pero kasama daw lahat kahit maliliit na tindahan.) at may mga na-encounter rin kami na mga tindahan na “Wala daw yung may-ari”,  ”Tindera lang sila dun”. Mayroon namang iba na HIGH BLOOD, mayroong galit at medyo nagdududa sa amin. Haha, pero everytime naman na nagtatanong kami ang intro namin “Good morning po, OJT po kami sa Brgy. Narra tatanong lang po namin kung nakapagrenew na po kayo ng Business Permit for 2012.” OKay naman diba? haha, pero may iba naman na pati yung ibang problema nireklamo na samin, na kesyo hindi daw naghahakot ng basura sa lugar nila (galit nga yung may-ari na babae na yun eh. buti na lang mabait yung asawa niya, NGITING WAGAS haha :D  ).

  Sa ngayon naka 6 days na kami in total, yung iba naman pang 5th, 3rd. Yung iba wala pa talaga since ayaw pa nila magsimula (okay lang, hanggang bago mag second semester pa naman yung time nila para mag-community service eh). 20+ pala kaming scholar sa Brgy.Narra dami ko pang walang contact sa ibang scholar. Kahapon dumating yung isa pang scholar taga-rito rin samin. SK pala siya sa barangay. Sinabihan siya ng mama niya na ibigay daw yung number niya sakin.
(Panibagong dagdag na naman sa mga kokontakin). Sabi rin niya paano daw kapag tapos na ako sa community service, pupunta pa daw ba ako sa barangay? Actually, naisip ko rin yun pero di ko sure kung ano yung isasagot. Then kagabi, may nagtext sakin unregistered number, sabi daw yung ga leaders dapt may sariling record ng Community Service ng mga scholars IN and OUT. Pang 6th day ko na ngayon, 1 1/2 na lang yung kulang. Paano kaya yun? pupunta pa ko ng barangay every time para lang i-check kung sino yung mga pupunta? EFFORT! hahaha :D  Pero pag-iisipan ko muna. Di bale may time pa naman. Haha, mahirap rin kasi yung aasa ako sa itetext sakin kung sino yung mga pumunta, eh paano kung wala naman pala dun or biglang umuwi, unfair naman sa iba. 

 

Community Service (Day 2)

Day 2 (April 24, 2012)

   Few minutes before 8am dumating na ako sa Brgy. Hall, ako nauna. Before 9am dumating na lahat. LATE as always. Past 9am na kami nagsimula, konti lang naman yung kalat since halos magkakasama na sa sulok yung iba. Sinako na lang namin yung mga basura (mga dahon at plastic). Yun nga lang, wala ng segregation. Pero nakadalawang sako ulit kami. Noong malapit na kami matapos dumating si Kap nakipag-usap, sinabi niya na magduduty naman kami sa brgy.hall by 2 (pares) 8am-5pm simula ngayong Tuesday. Sinabi rin niya na sa Monday pupunta daw kaming MRF. Pero wala munang nagsimula ngayon, hindi kami ready eh. Saka lugi din, kasi count na yung paglilinis namin ngayong araw, pag may nagduty ngayon baka hindi ma-count. “BAKA” lang naman. Pero anyway, sinabi namin na bukas na lang magsisimula yung magduduty na pares, buti pumayag.

   Mukhang aabutin pa kami ng May 12 para sa Tree Planting at Drug Awareness. Okay lang yung Tree Planting eh. Pero yung Drug Awareness magdidiscuss kami sa mga kabataan aged 20 years and below. Sino naman kaya magtitiyaga na makinig samin at 3pm onwards? Sabi ko, baka sakaling may pumunta kung may ipapakain kami pero hindi parin sigurado yun. Suggestion ko, gagawa na lang kami ng Flyers/Leaflets, at least yun pwedeng basahin ng mga bata sa bahay nila. Mas tipid pa. Wala pang sinasabi si Kap (mukhang ayaw, haha). Pero totoo naman kasi, sino nga ba magtitiyaga makinig? Marami naring mga program ng Drug Awareness, sa school, sa TV. 

 Sa Thursday duty ko sa Brgy.Hall, good luck! haha :D  

Community Service (Day 1)

Day 1 (April 23, 2012)

  First day ng Community Service naming mga scholars. Per barangay yung designation. Lahat ng mga scholar na nakatira sa specific na barangay, dun sila magcocommunity service. Ako, sa Barangay Narra. 

  Anim lang kami naglinis kanina, at hindi rin kami agad nagsimula. 8am andun na kami sa Barangay Hall pero naghintay pa kami hanggang 9am. Hinintay namin yung pagdating ni “Kap” (Brgy. Captain). Wala rin kasi silang kopya ng MEMO. Nasa SK Chairman kasi. Ang problema nga, bakit hindi man lang pinaalam sa mga tao sa barangay, wala tuloy silang alam pagdating namin dun kahapon. 

Past 9am, nung dumating na si Kap, pinapasok kami sa office niya para mag-usap. Nag-usap ng mga plano para sa community service namin, mga petsa kung kailan gagawin. Pero di ko nagustuhan eh, yung mga kasama ko ring scholar ayaw rin. Ang tagal pa kasi ng plano May pa kami magsisimula. After ng meeting, nag usap-usap kami. Mas gusto ko kasi talaga na maglinis na lang at mas matatapos namin agad yung 7 1/2 days (5 1/2 days na lang kulang) na requirement para sa community service kung maglilinis na lang kami. Sumang-ayon naman sila sa plano ko, lahat naman kami gustong makatapos agad para wala nang poproblemahin sa susunod.

  Pagkatapos namin mag-usap ng mga co-scholars ko, pinuntahan namin si Kap para sabihin yung suggestion namin na maglilinis na lang kami. Ok naman pumayag naman siya (buti na lang! mabait naman pala si Kap). Ang sabi niya bukas magsimula na kami since wala pa kaming cleaning materials na dala. Kaya lang sayang naman yung effort namin na pagpunta dun ng maaga kung hindi counted yun. Kaya nanghiram na lang muna kami ng dust pan at walis ting-ting sa brgy.hall at sa center. Buti na lang nagpahiram. 

  Before 12pm natapos na kami maglinis. Sakto, kasi after 5-10 minutes biglang umulan. Nagpahinga lang kami ng saglit, naghugas ng kamay at paa pagakatapos dumiretso na kami kay Kap para magpapirma ng DTR namin para mabilang yung community service namin para sa araw na yun.

*Sa wakas! Naka-isang araw narin kami. Mamaya ulit 8am start ng paglilinis namin!
Kanina pa akong 1am gising, kumain pa kasi ako at nagcomputer then tuloy-tuloy na hanggang ngayon 5:42am. Haha :D 

Sharing Life’s moments & experiences

Masasabi ko na “I’m Like an Open Book”, binibigay ko yung gusto nilang malaman sakin, kahit ano pa yun (although there are limits parin) pero almost lahat ng nalalaman at naranasan ko sa buhay since nagka-isip ako, na-ikwento ko na sa iba, sa mga kaibigan ko. Minsan nga pati yung mga bagay na di ko na dapat sabihin, naikukwento ko pa. Haha :D Pero ok lang siguro kasi ang nasa isip ko “May tiwala naman ako sa mga ‘to, KAIBIGAN ko nga sila diba?” 

Almost all the time, even sa post/messages/texts laging may :) or haha yung sinasabi ko, gusto ko kasi malaman ng mga kausap ko na at that times eh masaya ako, or light lang yung pakiramdam ko whatever the topic is. Kasi pag walang “haha or :)” feeling ko napakaseryoso na bagay yun haha :D 

 *Just recently I’ve exchanged some life stories with one of my high school friends.
Sa totoo lang nung High school time pa namin, di ko naman masyado nakakausap yun. IBA pa kasi siya dati . Hindi naman sobrang negative, pero…
Ang laki na kasi ng pinagbago niya ngayon kumpara noon… OO… MALAKI. hahaha :D  PEACE!!!    :)

 Ngayon kasi mas nakakausap ko na siya (Oh diba nagbago? haha)

Napakadami ngang mga tao sa paligid ko at mga kaibigan ko na nagbago after some time, through experiences rin siguro. Some change for the better, some… Alam na.
Pero masaya ako na sa mga nagbago na yun, kasama yung mga tao na masasabi kong “KAIBIGAN KO NA TALAGA” . 

 
Merong iba na naka-away ko pa, *WEAK* kasi ako eh. Di ako lumalaban… PHYSICALLY??? hindi nga. Actually, hangga’t maari ayaw ko talaga ng away. Maybe, I really am a “Pacifist”. Pero that time na may naka-away ako, tumahimik na lang ako, umiyak (ang sakit eh, emotional damage! hahaha :D).

Pero pag naiisip ko yun ngayon, ok lang din. EXPERIENCE yun… Ewan ko lang kung masasabi kong may natutunan ako dun, since di naman ako natutong lumaban up to now. Pero ang mahalaga kasi… Yung tao na nang-away sakin noon… “KAIBIGAN ko narin NGAYON”. Which is better, mas gusto kong maraming kaibigan instead of kaaway (pero wala naman akong kaaway eh, *SIGURO*) hahaha :D

As what I’ve said earlier, “I’m like an open book”, andyan naman yung mga bagay-bagay tungkol sakin, available yan (at all leading stores NATIONWIDE haha), pero it’s up to them kung maglalaan ba sila ng oras para makilala ako kung sino ako at ano ako.  :)

 **Salamat sa mga kaibigan ko, haha. KAYO madalas ko kausap eh, aside sa sarili ko LOL! haha :D
**


Hindi masama kausapin ang sarili, pinag-aralan namin sa psychology. It helps you decide on what will you do or choose in various situations.

To Tumblr, Love Pixel Union